MEDALYA NG KADAKILAAN SA 18 WARAY COPS

medalya

CAMP CRAME – PINARANGALAN kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan na hindi umatras sa mga nagsisugod na 50 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kanilang estasyon sa Victoria, Northern Samar.

Sa flag raising ceremony sa Camp Crame, ginawaran mismo ni PNP Chief General Oscar Albayalde ng Medalya ng Kadakilaan  sina: Police Lt. Eladio G. Alo, Hepe ng Victoria Municipal Station; Pol. Chief Master Seargent’s Aimee Lutze Cadiente at Marlon Ordonia; Pol. Sr. Master Seargent Arturo Gordo Jr.; Pol. Master Seargent Arnold Cabacang; Pol. Staff Seargent’s Ramil Ramos, Raul Francisco Jr.; Brande Esquilon; Pol. Corporal’s Bryan Ed Penaflor; Jaykarl Laurio; Eddie Edwin Diaz; Tracy Silagan Jake Salesa; Patrolman’s Ronnel Goco; Marlon Estopagian; Errol Montopar; Geral Casyao at Jhonar Cris Bernadas.

Tumanggap din ng Medalya ng Sugatang Magiting sina Gordo at Cabacang makaraang magtamo ng sugat sa bakbakan.

Bukod dito bibigyan din ng spot promotion ang 18 pulis kabilang na ang isang babae.

Sinabi ni Albayalde, magandang halimbawa ang ipinakita ng mga pulis na kahit na dehado sa bilang ay lumaban at nanalo pa.

Kaya, naniniwala siya na malaking dagok sa NPA ang nangyari lalo pa at tatlo sa kanilang mga miyembro ang nasawi.    REA SARMIENTO

Comments are closed.