HINIHINALANG GUN RUNNER NADALE SA ENCOUNTER

Gun runner

DEAD on the spot ang isang hinihinalang mi­yembro ng gunrunning syndicate matapos maki­pagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy bust operation of firearm sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa report ng pulisya, dead on the spot ang suspek  sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na nakilalang si Jimverick Infante alyas “Jimboy”, nakasuot ng athletic police uniform na may marking Pulis at gray short.

Sa nakarating na report kay acting Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, dakong alas-10:45 ng gabi nang ikasa ng mga tauhan ng Caloocan Police Intelligence Branch ang buy bust operation of firearm kontra sa suspek sa loob ng isang abandonadong compound sa #33 Maraiuhat St. Brgy. 179, Amparo.

Gayunman, natunugan ng suspek na isang undercover police ang kanyang katransaksyon kaya bigla nitong itinulak ang poseur-buyer sabay naglabas ng baril at pinaputukan ang pulis na mapalad na hindi tinaman.

Nagawang makaganti ng mga putok ang police poseur-buyer hanggang sa tamaan sa katawan ang suspek na nagresulta ng kanyang kamatayan. EVELYN GARCIA

Comments are closed.