TATLONG pasyente ng COVID-19 na nasa isolation center ang tinututukan ng mga doktor dahil sa posibilidad na nagkaroon ng mental disorder.
Ayon kay Ricky Ducas, mental health responder ng Baguio City Health Services Office (CHSO),ito ang lumilitaw sa isinasagawa nilang pakipag-collaborate sa mga pasyente kaugnay sa isyu ng mental health.
Bukod sa psychological, neurological at psychiatric consultations, isiniwalat ni Ducas na ang bawat pasyente ay binibigyan ng kaukulang medisina para sa posibilidad na makaranas ng mental health problems.
Inamin ni Ducas na may mga pasyente na nakarekober mula sa sakit na COVID-19 subalit may indikasyon naman nagkaroon ng mental health problems kaya isinasailalim sa kinakailangang check-up.
Ayon pa kay Ducas, sa nakalipas na pag aaral, lumilitaw na kapag naapektuhan ng virus ang neurons ng pasyente ay magiging kapansin-pansin ang mga sintomas ng pagkakaroon ng mental disorder dahil sa kanilang behavior sa pagdaan ng panahon.
“The early detection of the mental disorders of the COVID-19 patients will allow mental health experts to provide them with the appropriate medication and counseling for them to be able to hurdle the said challenge in their lives and for them to be able to go back to their normal way of life,” dagdag pa ni Ducas.
Paliwanag pa ni Ducas na ang isyu ng suicide, anxiety, depression at ilang klase ng mental disorders ay kinakailangang talakayin at tutukan para makatulong sa mga pasyente na manumbalik sa normal na buhay. MHAR BASCO
I’ve been looking for photos and articles on this topic over the past few days due to a school assignment, totosite and I’m really happy to find a post with the material I was looking for! I bookmark and will come often! Thanks 😀
It’s the same topic , but I was quite surprised to see the opinions I didn’t think of. My blog also has articles on these topics, so I look forward to your visit. casinocommunity