HINDI pa kabilang sa hinihinging P1.6-B para sa Manila Bay rehabilitation project sa 2022 ang pondo para sa paglalagay ng dolomite dito.
Sa halip, sinabi ni Environment Undersecretary Jonas Leones na ang nasabing pondo ay para sa rehabilitasyon ng waterways patungong Manila Bay at paglilinis sa mga estero at sapa.
Ayon pa kay Leones, gagamitin din ang bahagi ng nasabing pondo para sa konstruksiyon ng water treatment plants na sasala sa mga kontaminado at maruming tubig na inaasahang dadaan pa-Manila Bay.
Naibigay na aniya sa kanila ang pondo para sa dolomite noong 2019 at 2020 budget ng DENR. DWIZ882
891470 883611Very good post. I previousally to spend alot of my time water skiing and watching sports. It was quite possible the top sequence of my past and your content material kind of reminded me of that period of my life. Cheers 279460