INAMIN ng Philippine National Police (PNP) na blangko pa sila para maipatupad ang money ban checkpoint sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, BGen. Redrico Maranan, hinihintay pa nila ang specific guidelines sa pagpapatupad ng money ban mula sa Commission on election (COMELEC).
Ang Money Ban Checkpoint ay unang inihayag kay COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia upang mapigilan ang bentahan at bilihan ng boto kapag eleksyon.
Sa ilalim nito, limang araw bago ang halalan o sa BSKE ay bawal na ang pagbibitbit ng pera na nagkahahalaga ng P500,000 pataas maliban kung ito ay pampasuweldo.
Suportado ng PNP ang ipatutupad na money ban checkpoint.
“Susuportahan natin ‘yang panukala ng Comelec na money ban. Full support tayo diyan,”ayon kay Maranan.
EUNICE CELARIO