(Hiniling na ipatupad sa calamity-hit areas) PRICE FREEZE SA CONSTRUCTION MATERIALS

ISINUSULONG ni Agusan del Norte 2nd District Rep. Dale Corvera sa Kamara ang pagpapatupad ng automatic price freeze sa construction materials sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa natural disasters.

“Construction materials are needed during rehabilitation and repairs from damages due to calamities and similar events,” sabi ni Corvera sa paghahain ng House Bill No. 9628.

Layon din ng panukala na i-discourage ang mga negosyante sa pagsasamantala sa sitwasyon sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

“Prices of construction materials usually surge during these difficult times as their demands increase,” wika ni Corvera, inalala ang tatlong beses na pagtaaa sa presyo ng construction material prices makaraang manalasa ang bagyong Odette sa maraming lugar sa Caraga Region noong December 2021.

“Those who survived the calamity could not move on to repair their dwellings as they could not find affordable construction materials, thereby adding to their agonies and trauma,” anang mambabatas. l

Aniya, ang mga bagyo at iba pang natural disasters ay karaniwang mga pangyayari sa bansa, at ang pag-freeze sa presyo ng construction materials sa mga apektadong lugar ay makatutulong nang malaki sa recovery at rebuilding process.

(PNA)