(Hiniling na payagan) LIMITADONG FACE-TO-FACE CLASSES

NANAWAGAN si Senador Francis Tolentino sa Malacañang na payagan na ang limitadong face-to-face classes para sa mga mag-aaral sa graduate school at law school.

Sa kanyang lingguhang programa sa radyo, sinabi ni Tolentino na wala siyang nakikitang problema kung papayagan ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na muling ibalik sa face-to-face ang klase ng mga estudyanteng kumukuha ng post-graduate degrees basta’t sila ay bakunado na kontra COVID-19.

Ani Tolentino, karamihan sa mga mag-aaral na kumukuha ng post-graduate programs ay kabilang sa uring manggagawa at kwalipikadong bakunahan laban sa COVID. Paliwanag pa ng senador, mababa ang peligro kung papayagan ang mga post-graduate student na dumalo sa limitadong face-to-face classes basta’t lahat sila ay bakunado na at susunod pa rin sa mga minimum health protocols na inilatag ng awtoridad.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat ay bakunado na rin ang faculty members at iba pang kawani ng mga kolehiyo at unibersidad bago payagan ang limitadong face-to-face classes para sa mga kumukuha ng post-graduate degrees.

Matapos ang masusing pag-aaral ng Commission ng Higher Education (CHED), pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Pebrero ang limitadong face-to-face classes sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong medikal at pangkalusugan.

Sa taya ng National Economic and Development Authority (NEDA), aabot sa P11-trilyon ang posibleng sapitin na lugi ng bansa sa loob ng susunod na apat na dekada dahil sa isang taong walang face-to-face classes.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa panukalang P5.024-trillion 2022 National Expenditure Program (NEP), ipinaliwanag ni Socioeconomic Planning Sec. Karl Kendrick Chua na ang kawalan ng face-to-face classes ang makakaapekto sa pagiging produktibo ng mga mag-aaral sa oras na sila’y magsimula nang magtrabaho.

Iginiit din ng NEDA nitong Hunyo na dapat dahan-dahan na muling ibalik ang face-to-face classes para sa academic year 2021-2022, dahil matinding naapektuhan ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa kasalukuyang hybrid/blending learning scheme.

Sang-ayon naman si Tolentino sa suhestiyon ng NEDA dahil talagang bumaba ang kalidad ng edukasyon, mapa sa undergraduate program o post-graduate studies dahil sa kwestyonable ang pagiging epektibo ng distance learning method, lalo pa’t hindi maaasahan ang serbisyo ng mga telco sa lalawigan at liblib na lugar.

Una nang ipinanawagan ni Tolentino sa payagan ang unti-unting pagbabalik ng face-to-face clasess sa mga lugar na mababa or may zero COVID-19 infection rate.

Samantala, dapat umanong siguraduhin ng mga may-ari at operator ng mga dormitory na tanging mga bakunadong tenants lamang ang tatanggapin nito sa oras na payagan na ng Palasyo ang limitadong face-to-face classes sa mga tinatawag na low-risk areas upang maiwasan ang hawahan at patuloy na pagkalat ng COVID-19. VICKY CERVALES

181 thoughts on “(Hiniling na payagan) LIMITADONG FACE-TO-FACE CLASSES”

  1. Definitive journal of drugs and therapeutics. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    ivermectin 12 mg
    Drug information. Get warning information here.

  2. Commonly Used Drugs Charts. Actual trends of drug.
    https://edonlinefast.com natural remedies for ed
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  3. Read here. Best and news about drug.
    best ed drugs
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  4. Everything about medicine. safe and effective drugs are available.
    ed drug prices
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  5. Some trends of drugs. Everything what you want to know about pills.
    https://canadianfast.com/# legal to buy prescription drugs from canada
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. drug information and news for professionals and consumers.

  6. Read now. drug information and news for professionals and consumers.
    https://tadalafil1st.com/# cialis online mastercard
    What side effects can this medication cause? Learn about the side effects, dosages, and interactions.

Comments are closed.