SA HARAP ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at papalapit na Kapaskuhan, hiniling ng isang consumer group ang paglalagay ng suggested retail prices (SRPs) sa baboy at manok para maprotektahan ang publiko mula sa pagtataas ng presyo.
Ayon sa Laban ng Konsyumer, Inc. (LKI), ang farm gate price ng baboy ay bumaba sa P100 hanggang P110 kada kilo mula sa P126-P128 kada kilo, ngunit nananatiling mataas ang retail price nito.
“Given the erratic logic of how [pork] and chicken retail prices behave, Laban Konsyumer calls for the immediate imposition of an SRP for the duration of the epidemic up to the end of the holiday season. This will give consumers a breathing spell on high prices of pork and chicken,” wika ni LKI president Vic Dimagiba.
Binanggit ng consumer group ang government data na nagpapakita na ang prevailing price ng baboy ay nanatili sa P230 kada kilo mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 19 sa kabila ng mababang farm gate price.
“Retail prices should hover from P160 to P170 a kilo using the farm gate prices plus P60 a kilo industry benchmark,” giit ni Dimagiba.
Comments are closed.