(Hiniling sa DOE) TRANSPARENCY SA BENTAHAN NG INTERES NG SHELL SA MALAMPAYA

Alfonso Cusi

MULING iginiit ni Senador Win Gatchalian na dapat maging transparent ang Department of Energy (DOE) sa pagsusuri sa bentahan ng interes ng Shell Philippines Exploration BV (SPEX) sa Malampaya gas field project sa Malampaya Energy XP Pte. Ltd.

Kamakailan lamang ay sinabi ni DOE Secretary Alfonso Cusi na kasalukuyang pinag-aaralan ng ahensiya ang nasabing transaksiyon na isinagawa noong Mayo at wala pang pinal na desisyon ang gobyerno dito.

Ayon kay Cusi, kailangan pa munang magsumite ng mga dokumento ang nasabing mga kompanya bago desisyunan ng DOE kung aaprubahan ang bentahan.

“Hindi ito ordinaryong asset ng gobyerno. Ano ang mga pamantayan sa pagsusuri sa bentahang ito? Kailangang maging malinaw ang lahat sa publiko,” ayon sa Senate Energy Committee Chairperson.

Noong lamang Abril 15 ay pinagpaliwanag ni Gatchalian ang DOE matapos nitong aprubahan ang pagbenta ng 45 porsiyentong interest ng Chevron sa Malampaya project sa UC Malampaya Philippines na subdiary rin ng Udenna Corporation.

Paliwanag ni Gatchalian, kailangang pahalagahan ang pagbebenta ng interes ng Shell sa Malampaya hindi lang dahil sa hinahawakan nitong 45 porsyentong share ngunit dahil sa papel na ginagampanan nito bilang operator ng Malampaya.

“Ang Malampaya gas project ay nagsusuplay sa isa sa bawat limang tahanan sa Luzon. Importante na tuloy-tuloy ang pagsusuplay ng gas at para masiguro ito, kailangan na may sapat na kakayahan ang papalit na operator na mangangasiwa sa pagpapatakbo ng Malampaya at pagsusuplay ng koryente sa ating mga tahanan,” pagdidiin ni Gatchalian.

Samantala, sa joint operating agreement na nilagdaan noon ng mga miyembro ng consortium na nagpapatakbo sa Malampaya na binubuo ng Shell, Chevron at PNOC, may probisyon, aniya, doon na nag-aatas ng kaukulang permiso mula sa gobyerno bago maisapinal ang anumang paglilipat o pagbebenta ng shares. LIZA SORIANO

5 thoughts on “(Hiniling sa DOE) TRANSPARENCY SA BENTAHAN NG INTERES NG SHELL SA MALAMPAYA”

  1. 681085 870799 Spot on with this write-up, I truly feel this internet site needs much more consideration. Ill probably be again to read considerably a lot more, thanks for that information. 590551

Comments are closed.