(Hiniling sa DOH, IATF) VACCINATION SA TRANSIT HUBS

Biñan City Rep Marlyn Alonte-Naguiat

NANAWAGAN ang ilang  kongresista sa Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force (IATF) at sa National Task Force-COVID na magpadala ng vaccination team sa mga transit hub tulad ng UV express, taxi, jeep at bus terminals.

Ang panawagan ng mga mambabatas na gawing accessible sa mga commuter at transport worker ang bakuna ay dahil na rin sa bagong Delta variant na mas nakahahawa at nagkaroon na ng outbreak sa ibang mga bansa.

Ayon kay Deputy Speaker at Biñan City Rep. Marlyn ‘Len’ Alonte, hindi malabong nadadala sa pagbiyahe ang COVID-19 kaya marapat lamang na maprotektahan din ang mga mananakay.

“COVID-19 has been hitching rides on our transport systems. Filipinos who frequently or occasionally commute should be able to protect themselves against COVID, ” ani Alone.

Iminungkahi ni Alonte na i-deploy ang ilang Sinovac vaccines sa inter-island ferry terminals, bus terminals, airports, light rail at PNR stations, gayundin sa jeepney at tricycle waiting stations.

Naniniwala naman si BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co na ang mga transit hub ay lugar kung saan natitipon ang mga CO­VID-19 carrier at ibang walang sakit.

Nagsisilbi aniyang chokepoints ang mga transit hub na ito na maaaring makakuha ng sakit habang naghihintay at nakapila bago makasakay.

“These transit hubs where COVID carriers and victims converge. I see these transit hubs as chokepoints where the coronavirus can be intercepted,” pahayag ni Co.

Inirekomenda ni Co na maglagay ng vaccination site sa malls na may terminals lalo’t mas accessible ito.

Paliwanag ng lady solon, bukod sa mapoprotektahan ng bakuna ang trabaho ng mga commuter, makabubuti rin  ito sa ekonomiya at mga negosyo sa bansa. CONDE BATAC

4 thoughts on “(Hiniling sa DOH, IATF) VACCINATION SA TRANSIT HUBS”

  1. 482679 377260You created some decent points there. I looked online for the concern and discovered a lot of people may go as properly as using your internet web site. 954398

  2. 409579 312447Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to locate somebody with some original thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this web site is something that is required on the internet, someone with a little originality. beneficial job for bringing something new towards the internet! 884614

Leave a Reply

Your email address will not be published.