UMAPELA ang Senado sa pamahalaan na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng local taxes ngayong taon dahil sa malawakang pagkalugi ng mga negosyo lalo na sa industriya ng turismo.
“Sana’y mapagbigyan ang ating mga tourism establishment sa hiling nilang deferment. Isa sa mga pinakanaapektuhan ng pandemya ang tourism industry, kaya sana kahit kaunting leeway mabigyan man lang sila,” pahayag ni Senadora Nancy Binay.
Nauna na ring nagpadala ng liham ang Tourism Congress of the Philippines (TCP) kay Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na humihiling na ipagpaliban ang pagbabayad ng business taxes
Ayon sa TCP, nakatanggap sila ng report mula sa kanilang mga miyembro na ang ilang LGUs ay nagpalabas na ng assessment fees para sa business taxes na may assessment base noong 2019
“Tourism establishments shouldn’t be expected to be able to pay their taxes based on unadjusted assessments, given that the sector had ground to a halt after the first quarter of 2020 after travel restrictions were imposed,” “pahayag ni Binay
Malaki, aniya, ang ibinagsak ng kita ng turismo sa bansa. Sa ngayon ay umaabot lamang ito sa PHP81.05 billion mula January hanggang November 2020 mula sa dating PHP437.9 billion noong 2019
“Naiintindihan naman natin ang side ng mga LGU. After all, taxes are the lifeblood of public services. But these establishments are also part of their constituency and they provide jobs for our people. Baka tuluyan na silang magsara kung pipiliting magbayad nang hindi naman talaga kaya,” anang senadora.
Hiniling din niya sa pamahalaan, partikular na sa DILG at LGUs, na makipagdayalogo sa tourism stakeholders at pag-aralan ang apela ng mga ito para sa muling pagbangon ng ekonomiya
Nauna na ring inirekomenda ng tourism stakeholders na i-waive muna ang corporate at individual taxes para sa 2020 sa mga akreditong miyembro sa kanilang hanay, gayundin ang pagtatanggal ng payment para sa licenses at permit para sa 2020 at 2021
“Sana’y magkaroon ng masinsinang pag-uusap para makahanap ng compromise, recognizing the need for both the national and local governments to raise funds for their own programs, and the survival of the industry,” dagdag ni Binay. LIZA SORIANO
Comments are closed.