IKINALUNGKOT ng mga empleyado ng revenue-generating agencies ng pamahalaan — ang government-owned and -controlled corporations (GOCCs) at government financial institutions (GFIs) — ang hindi nila pagtanggap ng patas na parte sa bunga ng kanilang pagtatrabaho.
Sa isang open letter, hiniling nila kay President Rodrigo Duterte na magpatupad ng five-year-old program na magbibigay sa kanila ng salary increases, allowances at iba pang mga benepisyo dahil sa pagkakaloob ng malaking halaga ng kita sa national government mula sa operasyon ng GOCCs at GFIs.
Sa panayam ni broadcaster Lolly Rivera Acosta sa “Sulong na Bayan,” isang public service program ng radio station DWIZ AM 882, sinabi ng mga opisyal ng KAMAGGFI o Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs and GFIs, na isinumite na nila ang kanilang open letter sa Malacañang noong nakaraang linggo.
Ang KAMAGGFI ay isang umbrella organization ng mga asosasyon ng mga empleyado ng may 200 GOCCs at GFIs sa bansa. Ang mga public corporation na ito ay may kinalaman sa pagtustos sa public utilities at iba pang commercial activities for profit, na nagbibigay-daan para makapaghatid ang pamahalaan ng mga pangunahing serbisyo.
Sinabi ni Baldwin L. Sykimte, KAMMAGFI chairman at presidente ng employees’ association ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), na binuo ang Compensation Position Classification System (CPCS) ng nakaraang administrasyon para ayusin ang compensation scale ng mga opisyal at empleyado ng GOCC at GFI.
Magmula noong 2017 ay sinuspinde ang pagpapatupad ng programa “for further review and reevaluation of GOCC employees’ salaries, allowances and other benefits.” Magmula noon ay hindi na ipinatupad ang programa, ayon kay Sykimte.
Samantala, ang mga opisyal at empleyado ng iba pang tanggapan at ahensiya ng national government at maging ng local government units ay tumatanggap ng periodic salary increases sa ilalim ng salary standardization program, paliwanag ni Sykimte.
“We are not a burden to the national government. We generate revenues from our operations that support the development projects of the government,” sabi ni Virginia P. Cabonce, vice chair at presidente ng employees’ association ng National Electrification Administration (NEA).
Ayon kay Cabonce, ang CPCS para sa mga opisyal at empleyado ng GOCC ay inaprubahan sa pamamagitan ng executive order noong 2016 “to support and encourage performance driven, productive and efficient organizations.”
Nagpahayag siya ng kalungkutan na habang naisasakatuparan ng mga empleyado ng GOCC ang layuning ito, ang gantimpalang ipinagkakaloob sa kanila ng batas ay hindi nila natatanggap.
Sinabi naman ni Nanette Jariño Lati, KAMMAGFI secretary general at presidente ng employees’ association ng Development Bank of the Philippines (DBP), na may malaking pagkakaiba ngayon sa pagitan ng suweldo ng GOCC employees at ng civil service employees sa iba pang tanggapan at ahensiya ng gobyerno.
Ani Lati, ang salary standardization law para sa civil service ay ilang beses nang nagkaloob ng salary increases sa mga empleyado sa national government agencies at maging sa local government units.
Aniya, dahil sa hindi pagpapatupad ng CPCS para sa GOCC at GFI officers at employees magmula noong 971, “you’d think that GOCC rank and file employees are different creatures from elsewhere.”
Idinagdag pa ng mga lider ng KAMMAGFI na dadalhin nila ang kanilang hinaing sa Senado at Kamara para hingin ang suporta ng mga ito sa kanilang apela para sa pag-aksiyon ng Malacañang.
Ang DWIZ na pag-aari at pinatatakbo ng Aliw Broadcasting Corporation, ang broadcasting arm ng ALC Group of Companies na itinatag ni late Ambassador Antonio L. Cabangon Chua.
192535 860971Id forever want to be update on new articles on this internet site, bookmarked ! . 309972
768699 178802Das beste Webdesign Berlin erhalten Sie bei uns, genauso wie professionelles Webdesign. Denn wir sind die Webdesign Agentur mit pfiff. 195015
532923 22994Hey there guys, newbie here. Ive lurked about here for a bit whilst and thought Id take part in! Looks like youve got quite a very good spot here 462339