(Hiniling sa susunod na administrasyon) PATULOY NA SUPORTA SA MSMEs

Joey Concepcion

HINIKAYAT ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang pagsuporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Ayon kay Concepcion, nakipagpulong siya kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Hunyo 15 sa headquarters ng huli sa Mandaluyong City at isinulong niya ang MSME agenda at nagpanukala ng mga paraan para makalaya ang bansa mula sa pandemya.

Sinabi ni Concepcion na ang pakikipagpulong sa incoming Chief Executive ay “meaningful and promising”, kung saan kapwa sila sumang-ayon na suportahan ang MSMEs para matamo ang inclusive growth.

“Our MSMEs need access to money, market, and mentorship opportunities,” aniya.

Ibinahagi rin ng adviser ni outgoing President Rodrigo Duterte kung paano naisama ng malalaking korporasyon ang MSMEs sa kanilang value chain.

Tinalakay rin nina Concepcion at Marcos kung paano makalalaya ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.

“I suggested to the President-elect that we should eventually have to plan how we can move out of a pandemic mindset to ensure our country’s economic growth,” ani Concepcion.

Tiwala rin si Concepcion na makikipagtulungan ang susunod na administrasyon sa pribadong sektor sa pagsuporta sa paglago ng MSMEs at tungo sa pagba­ngon ng ekonomiya.

– PNA