ANG PAGSUGPO sa Communist Party of the Philippine at armadong galamay nitong New Peoples Army ang tututukan ng bagong hirang na chief of staff ng Armed Forces of the Philippine.
Ayon sa napiling bagong pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Lt. Gen. Noel Clement, ang paglaban sa komunistang grupo ay hindi lang solong trabaho ng militar o maging ng local and national government kung hindi ng buong bansa.
Aminado rin si LtGen Clement, ang ika-52 na AFP chief at ikaanim sa mga naitalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pawang nagmula sa Philippine Army na kailangan pang magpatuloy ang modernization ng AFP para mapaigting pa ang kakayahan ng sandatahang lakas.
Minsan din naging kontrobersiyal si Clement nang masangkot ang pangalan nito sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos na hindi na natagpuan ng kanyang mga magulang mula ng inulat na dinukot ito ng mga hinihinalang militar sa isang restaurant sa Cubao, Quezon City noong 2007.
Gayunpaman, nalinis na rin ang pangalan nito ng mga investigating authorities hinggil sa kaso.
“That’s a very old issue and I will not honor them by answering that so if they want to make that an issue that is their problem, e sila magpatunay kung may katotohanan ‘yun, but I will not explain to them but I have been faithful in my service to our country and I have not been involved in any of those activities,” pahayag Clement.
Si Clement ay miyembro ng PMA Sandiwa Class of 1985 at kaklase ni dating AFP chief at ngayon ay Presidential Adviser on Peace Process Sec. Carlito Galvez.
Siya ang nahirang na papalit kay outgoing AFP chief of staff ni Gen. Benjamin Madrigal na magreretiro na sa serbisyo sa darating na Setyembre 24, 2019.
Kinumpirma na rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakapili ng Pangulo kay Clement bagaman wala pang appointment papers na magmumula sa Malacañang.
“Si Lt. Gen. Noel Clement daw but we have yet to receive the papers from Malacañang,” pahayag pa ni Lorenzana.
Si Clement ang kasalukuyang commander ng Central Command (Centcom) na nakabase sa Cebu City at miyembro ng PMA Sandiwa Class of 1985 ay ikaanim na pinuno ng AFP na hinirang ni Pangulong Duterte na pawang nagmula sa Philippine Army. VERLIN RUIZ
Comments are closed.