HINULUGANG TAKTAK, ISANG ALAMAT

HINULUGANG Taktak Protected Landscape, or simply Hinulugan Taktak, ay isang protected area sa Rizal, na dinarayo dahil sa napakaganda nitong waterfalls.

Tinawag daw itong Hinulugang Taktak dahil once upon a time, may inihulog ditong isang malaking kampana (Taktak) noong 15th century o 16th century dahil sobra raw itong malakas tumunog.

Nabanggit ang Hinulugang sa Antipolo hymn na nilikha ni German San Jose noong 1929, ang Tayo na sa Antipolo. Patunay itong kahit noon pang unang panahon ay sikat na ang Antipolo.

Mula noong 1960s, nagsimula nang dumumi ang tubig sa Hinulugang Taktak. Upang mapigilan ito, ginawa ang HT na national park noong 18 September 1990. Nagsimula ang rehabilitation noong 1991 at noong 17 November 2000, idineklara itong protected landscape ng Department of Environment and Natural Resources.

Gayunman, dahil sa pagkakaroon ng oil spill noong 2015 napilitan ang DENR at local na pamahalaang isara muna ito at binuksan lamang uli noong February 13, 2020. Gayunman, hindi pa rin ito pwedeng paliguang tulad noong dati dahil marumi pa umano ang tubig, kaya nagpatayo sila ng maliit na pool bilang alternative.– SHANIA KATRINA MARTIN