HIPON GIRL SOBRANG GANDA SA Bb. PILIPINAS GRAND SANTACRUZAN

Binigla ni Herlene Budol, a.k.a. “Hipon Girl,” ang lahat nang ipa­kita niya ang natatago niyang kagandahan sa soot na P150,000-worth Filipiniana gown para sa Binibining Pilipinas Grand Santacruzan 2022.

Isa itong pink mermaid gown na napapalamutian ng asul na perlas at gold details, kasama ang malaking gold-rays headdress. Creation ito ni Geronie Labora, isang fashion designer mula sa Zamboanga City.

Isa si Herlene sa 40 kandidatang maglalaban sa korona ng mga titulong Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at Bb. Pilipinas Grand International. Adbokasiya ni Herlene ang autism awareness and detection.

JANINE GUTIERREZ NAGPA-SEXY SA PALAWAN

Gusto ko sanang itanong kung sino ba ang mas sexy kina Janine Gutierrez at Julie Anne San Jose dahil nag-sexy pictorial din ang huli, pero bakit pa? Dapat ba silang pagkumparahin, e hindi naman sila nag-aaway. Both have sexy bodies, nna mawawala rin naman kapag tumanda na sila. Look at Ruffa Gutierrez na napaka-sexy rin during her youth, naging chubby na ngayon. Physical beauty is just temporary, anyway.

So in this photo na kinuha sa Palawan, marami namang nagandahan, including Ruffa and director Antoinette Jadaone.

By the way, binati ni Janine ang kanyang onscreen love team partner, actor Paulo Avelino, ng happy birthday nong Friday, May 13 kaya nabulabog na naman ang fans. Sige, kung type ninyong mag-speculate, mag-aabang na lang kami.

NAKI-BESO LANG BAKLA NA AGAD SI JAMES REID?

Kung sino man ang nagkakalat ng balitang bakla si James Reid, kawawa naman ang bata kung hindi ito totoo. Biktima siya ng malisyosong balita dahil sa kumakalat na video na hinalikan niya sa pisngi ang isang lalake.

For your information po, sa Europe at US, ganoon ang batian ng lahat, babae man o lalaki. Normal po ‘yon, malisyosa lang kayo.

Granted na totoong bakla nga si James, e ano naman ang masama? Di ba si Bb. Gandanghari, pinakasalan pa si Carmina Villaruel bago ina­min sa publikong bading siya? Kung bading nga si James, ang swerte naman ni Nadine Lustre na nakarelasyon niya si James ng napakatagal na panahon. Ibig sabihin, yung ganda niya, kahit bakla, nakakapagpatino sa pagkalalaki.

At FYI uli, hindi lamang si James ang mahilig makipag-beso-beso sa lalake dahil si Tonton Gutierrez din, ganoon sa male friends niya. Alam naman nating hindi bakla si Tonton, di ba?

JERIC GONZALES, SHERYL CRUZ MAGKAKILALA LANG, HINDI FRIENDS

Ayan, malinaw pa sa mineral water na magka­kilala lang at ni hindi magkaibigan sina Sheryl Cruz at pilit na idinidikit sa kanyang si Jeric Gonzales.

Bakit naman kasi pilit idinidikit si Jeric kay Sheryl e may girlfriend na ito na si Rabiya Mateo nga. Sabi ni Sheryl, nagkatrabaho at naging magkapareha sila sa Kapuso afternoon series na Magkaagaw, at naging kontrobersyal dahil sa tsismis na pareho naman nilang itinanggi.

Despite the “tsika” of the many marites at marichu, okay lang daw kay Sheryl na muling makatambal si Jeric basta may magandang project.

SEX VIDEO NI CHIE FILOMENO GUSTO RAW NIYANG MAPANOOD

Excited si Chie Filomeno na mapanood ang sinasabing sex video niya na ipinakalat raw ng ilang netizens. Wala raw kasing naniniwala sa kanya kahit ilang beses na niyang sinabing “fake news” ito kaya mabuti pang mapanood niya para malaman niya kung kamukha niya talaga.

Hinamon pa niya ang netizen na ilabas ang sinasabing sex scandal. Post ni Chie: “Ano Megan San Miguel, dali share mo yung video, siguraduhin mo lang hindi mo sasa­yangin ang oras nila ah? Lalo na oras ko. Maninira ka pa ah. Bardagulan gusto niyo eh. Paulit ulit na issue ah nakakasawa na”

Nagalit si Chie dahil nadamay si Zeus Collins sa issue. Nag-react din daw si Zeus via an Instagram post, pero burado na ngayon ang post.

JOHN LAPUS OKAY LANG MALAOS SA ACTING

Tanggap ni John “Sweet” Lapus na tapos na ang panahon niya bilang komedyante dahil marami nang naglabasang nagpapatawa sa ngayon, pero ang directorial job niya, nagsisimula pa lamang. Siya lang naman ang direktor ng Jose and Maria’s Bonggang Villa nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Bakit daw naman hindi niya tatanggaping laos na talaga siya, e tatlong beses na siyang nalaos at nakabangon? Ang ipinagpapasalamat lang daw niya, tuwing malalaos siya ay nabibigyan siya uli ng bagong proyekto.

Sa karanasan ni Sweet bilang aktor ng Teatro Tomasino noong college days niya sa University of Santo Tomas, stand-up comedian sa mga sikat na comedy bars, at aktor sa mga TV at movie projects—medyo madali sa kanya ang mag-crossover.

Pero love pa rind aw niya ang acting. In the first place, mas malaki raw ang kita ng artista sa director. Ang nililinaw lang daw niya ay tanggap niyang laos na siya pero ang creativity ay buhay na buhay pa.

Bukod sa pagiging director, nagsusulat din si Sweet. Ayaw raw kasi niyang mawalan ng trabaho kaya nag-aaral talaga siya sa bawat project na mabigay sa kanya.

JANNO GIBBS HAPPY SA 5K KAPALIT NG NAWALANG 4K FOLLOWERS

Hindi naman ma­paghi­ganti si Janno Gibbs pero gusto raw niyang ipagmalaking kahit nabawasan ng 4,000 ang kanyang followers sa social media ay napalitan naman ito ng bagong 5,000 followers.

“I will never compromise my sentiments over approval especially for our country. Kaya nga tayo may social media, to express our true selves,” pahayag ni Janno. “Maraming salamat din sa mga di nang-iwan kahit iba ang inyong kulay,” dagdag pa niya.

May 358,000 ang Instagram followers ni Janno sa ngayon.