HIRING NG 15K CONTACT TRACERS ITULOY

bong go

UMAPELA si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa concerned government agencies na ituloy ang pagha-hire ng 15,000 contact tracers mula Agosto 2 hanggang Disyembre 31.

Binigyang diin ni Go, ang kritikal na tungkulin ng contact tracers sa panahon ng pandemya at sa pagtugon ng gobyerno para matulungan ang mga mamamayan.

Sinabi ni Go na ang pagiging contact tracer ay mainam na paraan para makatulong sa mga kababayan at mabibigyan pa ng trabaho ang mga Pilipinong nawalan ng hanap-buhay.

Ayon pa rito, habang nakakatulong ang contact tracers sa laban kontra COVID-19, matutulungan din ang mga ito na maitawid ang kanilang mga pamilya laban sa gutom at kahirapan.

Giit ni Go, mahalagang bahagi ng COVID-19 response ang contact tracing at case investigation lalo pa at napakahalaga na ma-detect agad ang mga suspected, probable at confirmed COVID-19 cases.

Samantala, inaasahang aabot sa P1.7 billion ang magagastos sa pag-hire ng 15,000 contact tracers hanggang sa Disyembre.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na sana ay magawan ng paraan para tuloy-tuloy ang pag-hire ng bansa ng mga contact tracers lalo na ngayon sa banta ng mas nakakahawang Delta variant

Dagdag pa ni Go na dapat ay patuloy ring madagdagan ang kapasidad ng healthcare facilities at higit sa lahat ay mas dapat pabilisin ang pagbabakuna. VICKY CERVALES

54 thoughts on “HIRING NG 15K CONTACT TRACERS ITULOY”

  1. 670514 682579Fantastic post nevertheless , I was wanting to know in the event you could write a litte much more on this subject? Id be extremely thankful should you could elaborate a bit bit further. Bless you! 716262

Comments are closed.