HINDI na kailangang itaas ang alert level o quarantine status sa National Capital Region (NCR) dahil marami ang inaasahang mananatili sa kanilang mga bahay matapos ang holiday season, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.
“The first quarter of the year is a weak and slow quarter since many have spent the money with Christmas gifts and New Year gatherings. This is the quarter where we see slow sales for most businesses,” sabi ni Concepcion sa isang statement.
“So even if they did not place it in Alert Level 3, mobility will really drop and on top of that surge, nobody will go out so there is no need to place it under Alert Level 4. People are generally scared to go out now because of the increase in cases and they have already spent their money during the holidays last month,” dagdag pa niya.
Nauna nang pinalutang ni Health Secretary Francisco Duque III ang posibilidad ng pagtataas sa quarantine status sa Metro Manil sa Alert Level 4 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Duque, kinokonsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang pagtataas pa sa COVID-19 alert level sa NCR.
Gayunman, binigyang-diin ni Concepcion na hindi na makakayanan ng pribadong sektor, lalo na ng micro, small and medium enterprises (MSMEs), ang panibagong lockdown.
“We’re borrowing trillions of pesos. Our debt-to-GDP (gross domestic product) is growing. If we surpass 60%, then it’s gonna hurt us big time. So we have to open the economy and leave it open but we should do it carefully,” aniya.
Sinabi ni Concepcion na bagaman limitado ang paggalaw sa panahong ito, ang produktibong last quarter noong nakaraang taon ay makatutulong pa rin sa mga negosyo, lalo na sa MSMEs, na makayanan ang sitwasyon.
Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 3 at tatagal ito hanggang January 15.