HIRIT NA MAIBALIK ANG NA-VETO NA PONDO SA MGA PROYEKTO MALABO

Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano

INAMIN ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mahihirapan silang pagbigyan ang hirit ng ilang mga kongresista na maibalik sa 2020 budget ang na-veto na multi-billion infrastructure project para sa taong 2019.

Ayon kay Cayetano, muling pinalutang ang isyung ito sa kanilang caucus bago mai­salang sa plenaryo ang P4.1 Trillion budget.

Aminado si Cayetano na mahirap na mangako sa mga mambabatas na maibabalik ang na-veto na budget ngayong taon na aabot sa P60 Billion dahil hindi pa alam kung saan huhugutin ang pondo.

Dahil dito, tinanggihan na ni House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab ang hiling din ng mga mambabatas.

Kakailanganin nilang makipag-ugnayan muna sa Ehekutibo para umapela sa hirit na ibalik ang mga na-veto na pondo.

Kapag nakausap na nila ang Ehekutibo ay maaaring piliin at irekomenda na sa 2021 budget na isama ang mga nabawas na pondo kung mayroong available funds at maaari rin magpasa ng supplemental budget.  CONDE BATAC

Comments are closed.