TINIYAK ng House Committee on Health na agaran itong magsasagawa ng pagtalakay sa panukalang maamyendahan ang Republic Act No. 11525 o ang batas na nagtatakda sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Vaccination Program ng pamahalaan partikular ang pag-aatas ng mandatory vaccination upang mapalakas umano ang kampanya sa pagsugpo sa naturang deadly virus.
Ayon kay House Committee on Natural Resources Chairman at Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., na siyang may-akda ng House Bill No. 9295, nangako sa kanya si Quezon province Rep. Angelina “Helen” Tan, chairperson ng House Committee on Health, na agad na magpapatawag ng public hearing hinggil sa kanyang hinirit na pag-amyenda sa RA 11525.
Giit ng Cavite solon, mahalagang maisalang agad sa committee deliberations ang mungkahi niyang gawing mandatory, lalo na sa mga kuwalipikadong indibidwal, ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 bunsod na rin ng banta na malawakang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant ng virus.
Bukod dito, sinabi ni Barzaga na dahil magpapatupad ng lockdown sa buong Metro Manila simula Agosto 6 hanggang Agosto 20 at hindi rin naman sertipikado ng Malakanyang bilang urgent measures ang kanyang panukala kung kaya nangangamba siyang maaaring tumagal ang pagbusisi bago maaprubahan ang iniakda niyang HB 9295.
Aminado naman ang House committee on natural resources chairman na hamon din ang usapin ng kakulangan sa suplay ng COVID-19 vaccines sa iminumungkahi niyang gawing mandatory ang pagbabakuna.
Sinabi ni Barzaga na maging ang pagiging “choosy” na karamihan, lalo na ang pagtangging maturukan ng China-made vaccines, ay nagbibigay sakit ng ulo sa iba’t-ibang local government units (LGUs) kung kaya nababalam ang vaccine rollout ng mga ito.
“Medyo nahuhuli tayo (sa vaccination), not to mention na medyo choosy ang ating mga kababayan, ‘pag nalaman nilang Pfizer, naku, punong-puno ang linya. Pagpunta sa vaccination center nalaman nila Sinovac aatras sila at ‘di babalik, these are the problems in the field na ating nakikita,” paglalahad pa ni Barzaga.
Sa ilalim ng HB No. 9252, nais ng mambabatas na bumuo ng panuntunan ang Department of Health (DOH) hinggil sa kung sino-sino ang mga dapat mabakuhanan para maisalang sa mandatory vaccination, habang ang mga taong may medical conditions, na dapat ay may kaukulang sertipikasyon mula sa Health department o isang licensed medical doctor, ay magiging exempted dito.
Dagdag pa ni Barzaga, kapag ganap na naging batas ang kanyang panukala ay magkakaroon din ng kapangyarihan ang DOH na tukuyin ang mga indibidwal na hindi papayagang pumasok, magtipon o mamalagi sa public places maging ito ay government o privately owned.
“Para at least nakahanda na tayo sa batas. Para kung sakaling dumating na ang pagkakataon na okay na, gustong magpabakuna (ng mga tao) at ‘yun namang ayaw magpabakuna paano natin mako-compel to be vaccinated. So future ito, ang batas naman laging future, because we anticipate that there will be problems in the future regarding vaccinated and non-vaccinated,” pagtatapos ng Cavite lawmaker. ROMER R. BUTUYAN
346646 594312Is going to be back steadily to inspect new posts 285168
59459 977283Quite unusual. Is likely to appreciate it for those who add forums or anything, site theme . a tones way for your customer to communicate. Excellent task.. 710282
476303 757197Jane wanted to know though your girl could certain, the cost I merely informed her she had to hang about until the young woman seemed to be to old enough. But the truth is, in which does not get your girlfriend to counteract making use of picking out her quite own incorrect body art terribly your lady are generally like me. Citty design 768156
853876 266621I really got into this article. I discovered it to be intriguing and loaded with distinctive points of interest. I like to read material that makes me think. Thank you for writing this fantastic content. 278886