TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na pag-aaralang mabuti at hindi dapat basta-basta magtataas ng presyo ng mga bilihin dahil lamang sa pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa industry sources, naglalaro ng isa hanggang siyam na porsiyento o katumbas ng 30-centavos hanggang 1.50 pesos ang hinihiling na taas-presyo sa ilang brand ng sardinas, noodles, at kape.
Ayon kay DTI Asec Ann Claire Cabochan, pinag-aaralan nilang mabuti ang mga hiling na dagdag presyo sa mga pangunahing bilihin. Sinabi niyang maglalabas sila ng Suggested Retail Price (SRP) bago matapos ang buwan. Kasabay nito, inihahanda na rin ng DTI ang bagong SRP Guide sa Noche Buena products.