(Hirit ng Amesty International) MAHIHIRAP BIGYAN NG 2-B DOSES NG COVID VACCINE

bakuna

INIHIRIT ng Amnesty International sa CO­VID-19 vaccine manufacturers na bigyan ng 2-B doses ng COVID vaccine ang mga mahihirap na bansa bago matapos ang taon.

Sinabi ni Amnesty Chief Agnes Callamard na dapat unahin muna ang buhay ng mga tao bago unahin ang kita.

Giit ni Callamard, nabakunahan na mala­king populasyon sa mga mayayamang bansa ngunit sa ilang bahagi ng Latin America, Africa at Asya ay nagkakamata­yan na lang.

Ipinabatid ni Callamard na nangako si US President Joe Biden sa talumpati nito sa UN General Assembly na mapu-fully vaccinate ang pitumpung porsyento ng populasyon ng mundo sa mga dara­ting na buwan.DWIZ882

101 thoughts on “(Hirit ng Amesty International) MAHIHIRAP BIGYAN NG 2-B DOSES NG COVID VACCINE”

Comments are closed.