HUMIHILING ng umento sa kanilang buwanang pensiyon ang mga biyuda ng mga beterano ng World War II.
Batay sa ulat, inihihirit ng mga biyuda ng war veterans sa pamahalaan na gawing P20,000 ang kasalukuyang P5,000 na kanilang buwanang pensiyon.
Ayon sa kanila, matagal nang hinintay ng kanilang mga yumaong asawa ang dagdag sa kanilang pensiyon hanggang sa nakamatayan na lamang nila ang mga ito.
Simula Enero 2019 ay nakatatanggap na ng P20,000 buwanang pensiyon ang mga beterano makaraan itong isabatas ni Pangulong Duterte.
Iginiit naman ng mga biyuda ng mga beterano na kinakailangan nila ang umento sa pensiyon para sa gastos sa kanilang gamot.
Iniulat ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na mayroon na lamang 128 surviving World War II veterans sa Bataan hanggang noong 2018 habang noong 2017 ay 171 ang bilang ng mga ito.
Comments are closed.