NANAWAGAN ang mga magsasaka sa administrasyong Marcos para sa one-time cash assistance na P15,000 sa gitna ng tumataas na halaga ng food at farm inputs.
Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairman emeritus Rafael Mariano, ang cash aid na kanilang hinihiling ay maaaring kunin sa mga hindi nagastos na pondo na nagkakahalaga ng halos P9 billion.
Tinatayang mahigit sa tatlong milyong magsasaka ang mabibiyaan ng ayuda.
“This will also make the government shoulder half of the farmers’ production cost at P30,000 per hectare of farm land,“ dagdag pa niya.
Nauna nang nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P8 billion para sa P5,000 subsidy para sa 1.5 million rice farmers.
Nang tanungin kung may mailalaan pa itong karagdagang budget, sinabi ni DBM Undersecretary Goddes Hope Libiran na ang pamahalaan ay nasa “very tight fiscal position.”