HIRIT NG MSMEs SA GOBYERNO: MABABANG INTEREST SA LOAN

LOAN INTEREST

HINILING ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa administrasyong Duterte na pagtuunan ng pansin ang pagsasaayos sa agrikultura, pagtatayo ng mga karagdagang imprastraktura, pagkakaloob ng tax incentives at madaling access sa pautang na may mababang interest rates.

Ayon sa Investor Relations Office ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang MSMEs ay nagbigay ng policy recommendations sa idinaos na Sulong Pilipinas sa  Cebu noong Nobyembre 9, San Fernando sa La Union noong Nobyembre 14, at Clark sa Pampanga noong ­Nobyembre 26.

Ang Sulong Pilipinas ay isang makabagong town hall consultative activity.

Kabilang sa top policy suggestions ng MSMes ay ang mga sumusunod: Bigyang prayoridad ang far­ming edu-cation at bagong agricultural techno­logy upang mapalaki ang output at kita ng mga magsasaka; magtayo ng mga karagdagang imprastraktura upang mapahusay ang access at mobility sa buong rehiyon at mabawasan ang con-gestion; at gawing simple ang loan requirements, at mag-alok ng mababa at makatuwirang interest rates para sa MSMEs at farmers.

Nais din ng MSMEs na mapabilis ang access sa edukasyon, partikular para sa mahihirap; mas mahigpit na pro-filing ng 4Ps (Pantawid Pamil­yang Pilipino Program) beneficiaries at ikonsidera ang pagbabantay sa kanilang mga gastusin, at pagkalooban ang mga ito ng livelihood training.

Hiniling din nila ang mabilis na pagproseso at pag-iisyu ng license to operate at certificate of product registration ng  Food and Drug Administration; at gawing simple ang mga proseso sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang Sulong Pilipinas ay nagkakaloob sa private sector participants ng pagkakataong maghain ng policy rec-ommendations at feedback sa iba’t ibang larangan ng pamumuno tulad ng economic development, infrastructure, local governance, peace and order, agriculture, social services, at MSME development.

“Sulong Pilipinas embodies the continuing effort of the Duterte administration to make our economic develop-ment story holistic and inclusive,” wika ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

“The previous years’ conferences have enabled the government to champion programs that will truly benefit the business sector. All comments and recommendations made in the previous forums were taken into consideration and were integrated in President Duterte’s development agenda,” sabi pa niya.

Ang unang Sulong Pilipinas ay idinaos noong Mayo 2016 ng incoming Cabinet members ng administrasyong Duterte.

Magmula noon, ang taunang Sulong Pilipinas events ay pinamunuan na ng DOF at co-organized ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Comments are closed.