IMINUNGKAHI ni Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, ang pagsuspinde sa operasyon ng Philippine Off-shore Gaming Operators (POGOs).
Ito ay kasunod ng na_bunyag na katiwalian ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kung saan ay pinagkakakitaan umano ng mga ito ang pagpasok ng mga Chinese national sa bansa para ilegal na makapagtrabaho sa POGOs.
Ayon sa senador, nakadidismaya na sa kabila ng pag-unlad ng industriya ng POGO sa bansa simula noong 2016 ay siya namang paglitaw ng kaliwa’t kanang katiwalian sa Immigration.
Aniya, dapat na ihinto ang operasyon ng POGO hanggang hindi pa naaayos ang problemang kinasasangkutan nito at ng BI.
Iginiit pa ng senador na bukod sa hindi tamang pagbabayad ng buwis ay patuloy rin ang ginagawang paglabag ng mga POGO sa batas ng bansa. DWIZ 882
Comments are closed.