(Hirit ng transport group) P3 TAAS-PASAHE SA JEEPNEY

KASADO na ang ihahaing petisyon ng mga transport group para sa dagdag-pasahe sa jeepney ngayong Miyerkoles.

Ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), kasama ang apat na iba pang transport groups, ay humihirit ng P3 taas-pasahe.

Sakaling payagan, ang P9 na minimum fare sa jeepney ay aakyat na sa P12.

“Masama ang loob naming mag-file nito kaya lang wala na kaming uurungan dahil matagal na kaming humihingi ng tulong sa ating gobyerno lalo na sa LTFRB, sa DSWD, dahil ilan-ilan lang ang nakatikim doon sa ayuda ng DSWD sa amin kaya kami talagang hirap na hirap na at ang daming namamalimos naming mga kasamahan at talagang napakataas na po ‘yung fuel,” pahayag ni  Orlando Marquez Jr., presidente ng LTOP

Sa datos mula sa Department of Energy (DOE), hanggang noong Oktubre 5, ang kabuuang pagtaas sa presyo ng gasolina ay umabot na sa P16.55 kada litro,  P15.00 kada litro sa diesel, at P12.74 kada litro sa kerosene

Ayon kay Marquez, marami silang panukalang nais na ihain sa gobyerno para hindi na magkaroon ng dagdag-singil sa pamasahe pero hindi naman umano sila pinakikinggan.

“Kaya ito po humihingi kami ng pasensiya, paumanhin, pag-unawa sa ating mga kababayan, ito na po ang aming napag-usapan na ipa-file na namin bukas ang aming kahilingan dahil wala naman po kaming mahintay na tawag sa ating kinauukulan,” sabi ni Marquez.

Samantala, nasa P1.26 ang posibleng itaas ng singil sa pasahe sa jeepney, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Based on the formula provided under the memorandum circular on [fare] increases [needed] due to rising cost of fuel, our computation year-on-year won’t be higher than P1.26,” wika ni LTFRB executive director Joel Bolano sa Laging Handa briefing.

Sinabi ni Bolano na kailangan ng LTFRB ng panahon para pag-aralan ang kahilingan ng mga transport group.

“We are still evaluating this given our situation,  and what other steps can be done such as providing fuel subsidy just like in 2019,” aniya.

“Providing for fuel subsidy was convenient since it was coursed through Landbank, even though there were drivers who did not necessarily use the subsidy for fuel.”

Maaari, aniya, itong matugunan sa pag-accredit sa mas maraming gas stations kung saan makakakuha ng fuel subsidy ang PUV drivers.

Sa kasalukuyan, ang LTFRB ay nagpapatupad ng service contracting program kung saan binabayaran ng pamahalaan ang PUV services na ipinagkaloob nang libre sa mga pasahero.

Noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng LTFRB  na ipalalabas nito ang P3.3 billion na halaga ng payout para sa PUV drivers sa ilalim ng service contracting program makaraan ang ilang buwang pagkakaantala.

47 thoughts on “(Hirit ng transport group) P3 TAAS-PASAHE SA JEEPNEY”

  1. Woman coffee or tea? Spectacular! A 2005 review showed that caffeine may look up blood pour and remit the muscles that help you conclude d communicate with a arrive at and put an erection. Take a shot to keep it to starless coffee, unsweetened tea, and caffeinated drinks without sweeteners. Source: who makes cialis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *