(Hirit ni Recto) 6 MONTHS EXTENSION LANG SA ML

ralph recto

NAIS ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na bigyan lamang ng anim na buwan na extension ang batas militar sa Min­danao.

Reaksiyon ito ni Recto matapos ang isinagawang security briefing sa pagitan ng mga senador at mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Department of National Defense at Department of the Interior and Local Government.

Ayon kay Recto, nais niyang anim na buwan lamang na  extension  sa kabila ng hinihiling ng mga opisyal ng PNP at AFP  na gawin itong isang taon.

Paliwanag ng senador, ganito rin ang naging pahayag ng mga opisyal ng humiling ng isang taong pagpapalawig ng batas- militar noong isang taon na kanilang tatapusin ang problema sa Abu Sayaf terrorist group.

Ayon kay Recto, humihiling ulit ng isang taong extension ang mga opisyal para maayos ang problema sa New People’s Army sa Mindanao.

Paliwanag aniya ng mga awtoridad na kapag humina ang NPA sa Mindanao  ay tiyak na hihina rin ang rebeldeng grupo sa Visayas at Min­danao.

Pero sa kabila nito, naniniwala ang senador na sapat lamang ang anim na buwang pagpapalawig sa Mindanao ng Batas Militar.

Giit pa ni Recto na  sa joint session bukas, araw ng Miyerkoles ay tiyak na talo ito sa joint voting dahil sa rami ng bilang ng mga kongresista na pabor sa one year extension ng martial law sa Mindanao.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Vicente  Sotto III na kumpiyansa ito sa naging paliwanag ng mga security official sa isinagawang security briefing.

Matatandaang hini­ling ng AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao kung saan dapat dumaan ito sa Kongreso sa pamamagitan ng security briefing upang ma-kumbinsi ang mga mambabatas kung dapat pa bang magkaroon ng Martial Law extension sa naturang rehiyon. VICKY CERVALES