“IF you give us [additional] P100 billion, we will be able to solve the problem in six year.”
Ito ang mariing pahayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagharap niya sa mga kongresista para sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang P710 billio budget ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon.
Ayon kay Duterte, para sa sektor ng edukasyon, sa loob ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay masusing isusulong ang flexible learning options, kasama na ang aktibong pagpapagawa ng mga silid-aralan, pag-hire ng mahuhusay na guro at iba pa.
“But we will innovate and look for other solutions because the problem 10 years ago is still our problem today. We should think outside the box already with regard to basic education,” sabi pa ng Bise Presidente.
Subalit binigyan-diin ng Education secretary na mayroong silang hiniling sa Malakanyang na dapat ay maibigay na pondo sa kanilang ahensiya para sa susunod na taon, na kasamang-palad ay hindi naaprubahan.
“So initially po, lumapit na kami sa Pangulo at sinabihan ko po ang Pangulo na if you give me P100 billion, I will solve all the problems of basic education and that is what I want,” paglalahad ni Duterte.
“I also reiterate this to Congress—House of Representatives–if you give us [additional] P100 billion we will be able to solve the problem in six year,” dugtong pa niya.
Nabatid na P810 billion ang hiniling ng DepEd sa Department of Budget and Management (DBM) bilang kanilang kabuuang pondo sana para sa fiscal year 2023, subalit P710 billion lang ang inaprubahan ng huli at siyang isinumiteng sa Kongreso sa ilalim ng P5.268 trillion proposed 2023 national budget.
Samantala, hiniling din ni Duterte sa Kongreso na gumawa ng hakbang para maibasura ang memorandum ng DBM, na nag-aatas sa DepEd na tanging sa mga 5th at 6th class municipalities lamang ito maaaring makapagpapatayo ng school buildings.
“[We are] describing our classroom shortage as a situation of a quicksand, which due to the meager budget given to construction of classrooms annually, we cannot even address the requirements due to enrollment increase and the shortage keeps filling us year in and year out,” ani Duterte. ROMER R. BUTUYAN