HIRIT SA ILANG BRANDS: PRICE HIKE SA NOCHE BUENA ITEMS

NOCHE BUENA ITEMS

ILANG brands ng Noche Buena items at canned goods ang humihingi ng price hike, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa isang public briefing, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang hirit na price increase ay sa harap ng pagtaas sa production cost ng mga kinauukulang brands.

“Wide po ‘yung range na hinihingi nila, from less than 1% to about 3% doon sa mga application,” sabi ni Lopez.

“Ito po ay inaaral ngayon ng ating consumer protection group kung reasonable ang mga increase. At kung hindi man ay babawasan ang increase na hinihingi nila,” dagdag pa ng kalihim.

Para sa Noche Buena items, sinabi ni Lopez na nasa lima hanggang  20 brands lamang ang humihingi ng taas-presyo.

Dahil dito ay pinayuhan ni Lopez ang mga consumer na tangkilikin ang mga dekalidad ngunit makatuwiran ang presyong mga produkto.

Comments are closed.