MAAARI nang matunghayan sa libro ang kasaysayan ng Manila Cathedral, sa Intramuros, Manila, simula nang sumailalim ito sa restorasyon noong 2014.
Ang librong pinamagatang “Manila Cathedral: Restoring a Monument to Faith, Architecture, and History,” ay inilunsad nitong Sabado ng umaga, may limang taon matapos ang restorasyon ng simbahan.
Mismong sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Papal Nuncio to the Philippines Gabriele Caccia naman ang nanguna sa naturang book launching.
Ayon kay Tagle, nakasaad sa libro ang testamento ng pananampalataya at walang hanggang pag-asa sa restorasyon ng Manila Cathedral.
Sinabi ng Cardinal na hindi lamang isang gusali ang binuo at bubuuin ng simbahan, kundi maging mga buhay din.
Sa panig naman ni Gerard Lico, executive editor ng libro, isa itong architectural project na naglalaman ng mga litrato at pahayag ng historians, archi-tects at iba pang nasa likod ng restorasyon ng simbahan.
Nabatid na mabibili ang libro sa Manila Cathedral sa halagang P2,500 lamang. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.