HITMAN NG DRUG SYNDICATE PATAY SA ENCOUNTER

PATAY

LANAO DEL SUR – BULAGTA ang isang mi­yembro ng KFR at hinihinalang hitman ng Amin Imam Boratong Drug Syndicate matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng PNP –Anti kidnapping Group sa  Brgy. Poblacion 4, bayan ng Tamarac sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PNP-AKG Director Brig.Gen. Jonnel C. Estomo,  naisugod pa sa Global Hospital si Aleman Bantuas Boratong na alyas Boy Negro subalit idineklarang patay na ito.

Nabatid na si Boratong ang nasa likod ng kontrobersyal na Pasig Shabu Tiangge.

Nabatid na bandang  alas-3:30 ng madaling araw nang salakayin ng mga tauhan ng  PNP AKG-MFU  Iligan Sattelite Office sa pamumuno ni Col. Alex C. Fulgar ang pinagkukutaan ni Boratong bitbit ang warrant of arrest sa Brgy Poblacion 4, Tamarac.

Subalit papalapit pa lang ang mga awtoridad ay sinalubong na sila ng sunud-sunod na putok kaya napilitang gumanti ang mga ito.

Napag-alaman na si Boratong at mga tauhan nito ang responsable sa pagdukot sa negosyanteng si Narija Saldivar sa Iligan City noong  2010; pagkidnap kay Hadji Zainal Datumanong  sa Marawi City noong Marso 19, 2017;  pagdukot kay Engr. R. Liling Lanto Ibrahim sa Marantao, Lanao Del Sur  noong  Hulyo 12, 2017 at pagpatay sa ilang PNP at AFP personnel sa  Lanao Del Sur at kalapit na lalawigan.

Narekober sa encounter ang isang cal.45 pistol na kargado ng mga bala at 6 plastic sachets na shabu. VERLIN RUIZ

6 thoughts on “HITMAN NG DRUG SYNDICATE PATAY SA ENCOUNTER”

  1. 23528 635478Im impressed, I should say. Genuinely rarely do you encounter a weblog thats both educative and entertaining, and let me let you know, you could have hit the nail about the head. Your concept is outstanding; ab muscles something that too few individuals are speaking intelligently about. Im delighted i identified this in my hunt for something about it. 804549

  2. 425645 508574Spot lets start work on this write-up, I in fact believe this amazing site requirements additional consideration. Ill more likely be once again you just read additional, thank you that details. 583690

  3. 719444 354274I dont normally take a look at these kinds of internet sites (Im a pretty shy person) – but even though I was a bit shocked as I was reading, I was definitely a bit excited as effectively. Thanks for giving me a big smile for the day 150781

Comments are closed.