NAKAAALARMA ang pagtaya ng Department of Health (DOH) na ang kabuuang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas ay maaaring lumobo sa 215,400 sa pagtatapos ng 2024.
Base sa pinakahuling datos ng DOH, mula July hanggang September 2024 lamang ay may 4,595 kumpirmadong HIV-positive individuals ang iniulat. Sa nasabing bilang, 1,301 (28%) ang may advanced HIV infection noong ma-diagnose ito.
May 50 HIV cases din ang naitala sa bansa sa daily average. Sa mga bagong kaso, 4,362 (95%) ang mga lalaki habang 233 (5%) ang mga babae.
Sa age group, 24 kaso ang wala pang 15 years old sa panahon ng diagnosis; 1,472 ang 15-24 years old; 2,179 ang 25-34 years old; at ang nalalabi ay 35 years old at pataas.
Kapag pinagsama-sama, hindi bababa sa 139,662 ang kumpirmadong kaso ng HIV na iniulat sa HIV/AIDS and ART Registry of the Philippines magmula nang maitala ang unang kaso sa bansa noong 1984.
Kaya naman opisyal na inilunsad ng DOH ang “Undetectable = Untransmittable Campaign” upang mapigilan ang tumataas na kaso ng HIV. Layon din nito na malabanan ang stigma na may kinalaman sa virus, at mapaigting ang kamalayan hinggil sa prevention, testing, at treatment para sa HIV.
Tinukoy ang AIDS Epidemic Model, nagbabala ang DOH na ang mga kaso ay maaaring lumobo sa 448,000 pagsapit ng 2030 kapag hindi pinaigting ang prevention at interventions.
Payo ni Health Secretary Ted Herbosa, para makaiwas sa HIV ay mag-practice ng safe sex. Regular ding sumailalim sa HIV testing dahil ang early detection ang susi para ma-manage ang virus at mapagbuti ang kalusugan.
“Practice safe sex, regularly undergo.”