HK AIRPORT KINUBKOB NG PROTESTERS, MGA PINOY STRANDED

HONG KONG PROTESTERS

DAHIL sa patuloy na protesta sa Hong Kong, maging ang international airport ay kinubkob ng mga protester na naging sanhi ng pagkansela sa mga flight kahapon, araw ng Lunes

Pawang  nakasuot ng itim ang mga protester  na sinakop ang  arrival at departure area, dala nila ang mga placard na nagsasabing hindi maipagtatanggol ng Hong Kong authorities pati ang mga dayuhan sa kanilang lugar.

Iniulat na nagkansela rin ng flights ang nasabing Chinese territory pabalik sa Filipinas.

Nagpahayag  ang  Cebu Pacific ng pagkansela ng flights  kahapon at  na­ngakong gagawa ng paraan upang  ma­tulungan ang mga apektadong pasahero.

Ayon naman sa abiso ng  Philippine Airlines, ilang mga biyahe na rin nila ang kanselado. Apektado rin ang flights ng PAL  mula sa Clark at Maynila papuntang Hong Kong at pabalik sa bansa.

Ilang Filipino rin ang na-stranded dahil sa protesta, na habang isinusulat ang balitang ito ay nakatakdang buwagin ng  mga pulis.