HK-BOUND COCAINE NA-INTERCEPT SA NAIA

NA-INTERCEPT sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga tahuan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Hongkong bound cocaine na tinatayang aabot sa P2.358 milyon ang halaga.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, nakatakdang ipuslit ang mga droga patungong Hongkong, at idineklara bilang mga motorcycle muffler, brakepads at radiator hose.

Itinago ang mga droga sa loob ng motorcycles muffler upang malayang makalabas sa bansa sa lalong madaling panahon.

Agad naman ikinakasa ng dalawang ahensiya ng pamahalaan ang hot pursuit operation laban sa exporter dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Drug Act at ng RA 10863 o Customs Modernization And Ta­riff Act (CMTA). FROILAN MORALLOS