MAARI nang makapasok sa bansa ang Hongkong at Macau nationals bilang temporary visitors sa ilalim ng bagong aprubadong resolution ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, maging ang Israeli at Brazilian nationals holder passport ay puwede rin pumasok sa bansa SA loob ng 59 araw sa ilalim ng reciprocal agreement sa pagitang ng Pilipinas at ng dalawang nasabing bansa.
Aniya, ito ang tinatawag na revival of the Philippine foreign circular na naging epektibo bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic.
Matatandaan na bago pa dumating ang COVID-19 sa bansa, pumalo sa 5,000 Hongkong at 3,000 Macau nationals ang average daily arrival.
Habang 25,000 Israeli ang dumating sa bansa noong taon 2019 gayundin 13,000 Brazilians nationals ang pumasok din sa Pilipinas ng kaparehas na taon. FROILAN MORALLOS