HNDI NAGTUTUNAW

SABONG NGAYON

PAGKATAPOS ng tatlong malalakas na bagyo,  importante na kauna-unahang titingnan ay kung sila ay nagtutunaw ng kanilang kinain lalo na ‘yung mga manok na nakatali.

“Kung ang ating mga alaga ay hindi sakitin during growing stage/habang lumalaki ay wala masyadong  dapat alalahanin kasi matatatag sila sa anumang kalamidad na dumating,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Yung manok na sakitin noong sila ay bata pa na pinilit mo buhayin ay ‘yan po unang bumibigay o madaling tamaan ng sakit na magiging carrier/hahawahan niya ‘yung mga healthy kaya doon po tayo dapat sa usapan na mga healthy lang, iyon nga po manok na hindi nagkasakit ay natatalo ay lalo na po siguro ‘yung manok na nagkasakit!” dagdag pa niya.

Aniya, ang pinakamabisang gamot sa anumang sakit o karamdaman ng ating mga alaga ay walang iba kundi pagpapatayin (euthanasia).

“No history of any form of sickness o hindi dapat nagkasakit!” sabi ni Doc Marvin.

“Everytime na dumadaan ang matinding init o tag-araw at malalakas na bagyo o tag-ulan, usually ang bumibigay o ‘di kinakayang maka-survive ng manok na dumaan sa matinding sakit,” dagdag pa niya.

Ang pagmamanok po ay napakaraming pinagdadaanan at ito po ay may buhay kaya anumang oras ay maaaring mawala kung hindi manakaw ay maaari namang nadisgrasya ng kalikasan.

“Mas maganda kung tayo ay palaging handa sa anumang panahon, umulan at umaraw,all weather. Ang manok basta tumitilaok at nagtutunaw ng kanyang kinain, ito ay indication na sila ay ligtas at lahat sila ay winner na kasi tinalo nila ang napakalakas na bagyo. Ang manok ay palaging inaalagaan kasi patayan ang kanilang pupuntahan!” pagwawakas niya.

Comments are closed.