UMAARAY na ang mga magbababoy sa mababang farm gate price ng buhay na baboy.
Ayon kay Warren Tan, pangulo ng National Piggery Movement, nasa P80 hanggang P90 na lamang ang farm gate price ng kada kilo ng baboy gayong dati ay nasa P110 hanggang P120 ang pinakamababang presyo nito.
Ani Tan, halos buong kabuhayan ng mga backyard hog raiser sa probinsiya ang apektado makaraang patayin ng mga awtoridad ang may 7,400 baboy sa Rizal at Bulacan na hinihinalang tinamaan ng African swine flu (ASF).
Maging ang mga hindi naman tinamaan, aniya, ng ASF ay apektado dahil sa napakahigpit na panun-tunan ngayon sa pagbiyahe ng baboy.
Samantala, pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba na tumaas pa ang presyo ng kar-ne ng baboy, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na sapat ang suplay ng karne ng baboy hanggang sa Disyem-bre kaya walang dahilan para tumaas ang presyo nito.
Aniya, isa pang hiwalay na laboratory test ang kanilang hinihintay upang malaman kung anong strain ng ASF ang kumapit sa mga baboy sa Rizal at Bulacan.
Sa pamamagitan ng dagdag na impormasyon ay maaari aniyang itaas pa o medyo i-relax ang biose-curity measures na kanilang ipinatutupad. DWIZ 882
Comments are closed.