HOG festival sa mga siyudad ng Quezon at Marikina na isasagawa sa Marso 1 hanggang 5 ay target maitala sa Guinness Book of World Records at inaasahang maghahanda ng sangkatutak na samu’t saring putahe ng baboy.
Ayon kay Alfred Ng, Vice President ng National Federation of Hog Farmers, Inc. (NatFed), ito ay itinaon nila sa taunang National Pig Day celebration.
“We will attempt to set a Guinness Records for the most number of pork dishes,” ayon kay Ng.
Sinabi nito na ang unang tatlong araw ng festival ay isasagawa sa Novotel at Gateway sa Araneta Center sa Cubao,Quezon City. Ma.Luisa Macabuhay-Garcia