BULACAN- MAHIGPIT na minomonitor ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Veterinary Office ang mga commercial at backyard ng mga nag-aalaga nang baboy sa buong lalawigan.
Ayon kay Provincial Vet. Doc Voltaire Basinang, minsan lamang nagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Bocaue halos may 3 linggo na ang nakalilipas.
Sa ngayon walang ASF at Birdflu na naitala sa probinsya.
Matatandaan na nasa higit 400,000 ang bilang ng mga alagang baboy sa lalawigan mula sa backyard at commercials farms.
Ayon kay Basinang, isa lamang ang Bulacan sa buong Central Luzon na nagsusupply ng karne ng baboy sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Bunsod nito, una nang sinabi ni DA Sec.Francisco Tui Laurel Jr. na kailangang maglagay ng mga checkpoint sa mga entry at exit point sa mga lalawigan partikular sa Batangas na tinamaan ng sakit na ASF.
Layon nitong maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit kaya naman maaga pa lamang kailangan ng presensya ng PNP, militar at mga tauhan ng DA sa mga ilalatag na checkpoint.
THONY ARCENAL