NAGPATUPAD ng istriktong quarantine checkpoint sa mga entry at exit points ang lalawigan ng Pangasinan kasunod ng pangambang banta ng African Swine Fever (ASF).
Bunsod nito, pupulungin ng Pangasinan Provincial government ang hanay ng hog traders at hog raisers dahil sa posibleng pagpasok umano ng ASF.
Matatandaang nito lamang Martes nang magdeklara si Pangasinan Governor Amado Espino III ng temporary ban sa mga ipinapasok na baboy sa Pangasinan.
Bagamat hindi apektado ang kanilang mga alaga ay may mga agam-agam sila na posibleng maapektuhan ang mga ito ng kinakatakutang sakit na maaaring pumilay sa hog industry.
Patuloy naman ang pagmo-monitor ng mga meat inspectors sa lalawigan kung mayroong ulat na pagkakasakit ng mga alagaing baboy sa Pangasinan at upang maagapan ang banta ng panganib ng ASF. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.