HOG RAISERS UMAPELA PARA MAPIGILAN ANG PAGPASOK NG AFRICAN SWINE FEVER SA PINAS

AFRICAN SWINE FEVER-1

MULING umapela ang mga local hog raiser sa gobyerno na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang upang maiwasan ang pina­ngangambahang pagpasok ng African Swine Fever o ASF sa gitna ng outbreak ng natu­rang sakit sa Europa at China.

Ito’y matapos siba­kin ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang mga quarantine officer ng Bureau of Animal Industry sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa kabiguang  magpatupad ng mga protocol laban sa naturang virus.

Ayon kay National Federation of Hog Farmers President Chester Warren Tan, maaaring maapektuhan ang buong industriya ng babuyan sakaling makapasok ang nakamamatay na sakit na wala pang lunas.

Bagama’t walang hatid na peligro o epekto ang ASF sa tao, wala pang gamot laban dito at pinaka-masaklap ay may kakayahan itong wasakin ang buong livestock production kung hindi makokontrol.

DA BANS ENTRY OF PORK, PORK-BASED PRODUCTS FROM 13 COUNTRIES

DAHIL sa hindi maipaliwanag na peste sa mga baboy na umabot na sa milyon ang bilang at ‘di malamang epekto sa kalusugan ng mga tao, nag-ban ang Department of Agriculture (DA) ng pag-angkat ng baboy at ng pork-based products mula sa 13 bansa.

Nag-atas ang DA ng mahigpit na quarantine protocols para mapigilan ang pagpasok ng baboy at pork-based products mula sa Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, at Zambia.

“The world hog industry is faced with a threat by a disease called the African Swine Fever (ASF). The threat is real and it could affect an industry which benefits millions of families, mostly small backyard farmers, who raise 15 million heads of hogs every year,” pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa kanyang Facebook post kamakailan.

“Given the fact that these countries are inter-connected in one big land mass which forms part of Europe and Asia,” dagdag pa ni Piñol. “There is simply no way to ensure that other countries will not be affected as well.”

Ang Filipinas lamang ang isa sa mga bansa sa mundo na libre sa mga sakit ng hayop tulad ng Foot and Mouth Disease.

Ang pagpasok ng kahit na anong sakit ng hayop sa bansa lalo na ang ASF, na pinag-aaralan pa ang epekto nito sa tao, ay ma-kasisira ng malaki sa hog industry ng bansa.

Dahil dito, inatasan ng DA chief ang Bureau of Animal Industry (BAI) at iba pang DA concerned agencies na ipatupad ang la-hat ng mitigating measures, tulad ng paglalagay ng foot baths sa lahat ng entry points ng bansa, kasama na ang cruise ships; manda-tory inspection of vessels docking Philippine ports; at pagkumpiska at pagsira ng lahat ng pork products sa loob ng 24 oras mula sa mga bansang apektado ng ASF.

Ang mga balikba­yan at overseas Filipino workers (OFWs), lalo na mula sa mga bansang apektado ng ASF, ay pinayuhan na huwag magdadala ng pork o pork-based products, kasama na rito ang ham, bacon at iba pa.

Sinabihan na rin sila na magsilbi bilang “Volunteer Quarantine Officers” at tingnan kung ang ibang pasahero na kasama nila sa eroplano ay may dalang pork or pork-based products at i-report agad sa Government Quarantine Officers pagdating ng bansa.

Noong 2017, nag-angkat ang bansa ng total na 4,177,189 kg. ng pork at pork products.

Noong 2018, may 9,744,435 kilograms mula sa Belgium, at 69,010 kilograms mula Hungary ang nairekord na nakapasok sa bansa.       PNA

Comments are closed.