NASAKOTE ang isang holdaper matapos biktimahin ang isang ginang sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang naarestong suspek na si Benjamin Dela Cruz, 21, scav-enger at residente ng Sanchangco St., Catmon, Malabon City.
Sa pahayag sa pulisya ni Imelda Dacaymat, 50, vendor ng 122 B. Natibiddad St., Brgy. 81, Caloocan City, naglalakad siya sa kahabaan ng EDSA at pagsapit sa harap ng isang hotel ay nilapitan siya ng suspek saka hi-noldap.
Sapilitang kinuha ng suspek ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P7000 bago mabilis na tumakas habang humingi naman ng tulong ang ginang sa barangay opisyal ng Brgy. 81 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dela Cruz.
Narekober sa suspek ang cellphone ng biktima at isang kitchen knife saka dinala ito sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kaukulang kaso. EVELYN GARCIA
Comments are closed.