HOLDAPER TIKLO SA GRANADA

ARESTADO ang 33-anyos na holdaper nang makumpiskahan ng isang granada at baril (replica) kahapon sa Pasig City.

Kinilala ni Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP ang nadakip na si Jezreel Bierra y Apanto, may asawa, vendor, at nakatira sa No. 237 Dr. Pilapil St., Brgy., San Miguel sa nasabing lungsod.

Nabatid na dakong alas-2:30 ng hapon nasabat sa follow up operation ang suspek na naglalakad sa Farmers Avenue, Brgy., Malinao Pasig.

Nakuha ng pulisya sa suspek ang handgun (replica) at Hand Grenade na nakasilid sa bag nito.

Nauna rito, nangholdap ang suspek sa Barangay Kapitolyo nitong Linggo at sa follow up operation ng mga awtoridad nadakip ito. ELMA MORALES