HOLDAPER TIMBOG SA MANHUNT

huli sa droga-2

BULACAN- ARESTADO sa isinagawang manhunt operation ng Police Cummunity Precint 5 ng San Jose del Monte City Police ang isang holdaper sa Brgy, Kaypian sa nabangit na lungsod.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Dir. Col. Relly Arnedo, ganap na alas-8 nitong Miyerkules nang mangyari ang holdapan sa isang commercial Building sa naturang barangay.

Kinilala ang suspek na si Jose Amurao Ssaldivar Jr., 37-anyos ng Brgy, 188 Tala Caloocan City.

Nabatid na kasalukuyang nasa coffee shop ang biktima na si Marco Guillermo Fernando, 28-anyos, negosyante nang dumating ang suspek na armado ng cal.38 na baril na nagdeklara ng hold-up.

Matapos ito’y mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo na agad ring nasukol ng mga pulis makaraang makahingi ng tulong ang biktima.

Nabawi mula sa suspek ang apat na cellphone at baril na ginamit sa krimen. THONY ARCENAL