NAPATAY ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, PBGEN Joselito T. Esquivel Jr., ang dalawang suspek na nangholdap sa isang babae matapos maka-engkuwentro ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni PLTC Joel Villanueva sa Brgy. Payatas, Quezon City.
Ayon kay Esquivel, ang napatay na mga suspek ay wala pa ring pagkakakilanlan ngunit tinatayang nasa edad na 30 hanggang 35, medium built, 5’3” sa height, na kasuot ng black shirt, red jacket, blue shorts, black cap at black mask, habang ang isa naman ay tinatayang nasa edad na 40 hanggang 45, medium built, 5’7” ang height, nakasuot ng black shirt, at light brown shorts.
Nakatanggap ng tawag ang estasyon ng PS 6 mula sa 911 na mayroong kahina-hinalang white taxi sakay ng 4 na lalaki na naka-park sa Leyte St., corner Payatas Road, Brgy. Payatas.
Agad namang tumugon ang mga tauhan ng naturang estasyon na agad namang napansin ng mga pulis ang mga suspek dahilan upang magkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga suspek at mapatay ang da-lawa habang nakatakas ang dalawang iba pa. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.