(Holiday Best Gift Ideas sa Panahon ng Pandemya – Part 1) GIFT OF HEALTH & WELLNESS – LABANAN ANG COVID-19 AT IBA PANG SAKIT

ni CRIS GALIT

TRADISYON nang maituturing ang pagbibigay ng regalo ngayong holiday season at ang mga nangungunang “idea” pagdating sa mga regalo sa panahon ng kapaskuhan ay ang mga tinatawag na home essentials, gadgets, at kasama na rin dito ang pang – health and wellness na items.

Kalimitan nating ibinibigay na regalo sa ating mga kapamilya at kaibigan ay iyong home essentials – kumbaga ito ang pinaka-common dahil madaling makahanap at mas madaling ma-appreciate ng taong ating pagbibigyan ng regalo.

Pero ngayong panahon ng pandemya, nakatutuwang isipin na kasama sa mga pangunahing holiday gift ideas, bukod sa home essentials at gadgets ay pang – health and wellness na mga produkto. Sabagay, higit sa lahat, ang kalusugan ang dapat nating pagtuunan ng pansin lalo pa’t hindi pa tuluyang nawawala ang Covid-19 at may bago na namang tinatawag na Omicron variant.

Sa usapin ng health and wellness, lalo na sa mayroong iniinom na maintenance na gamot, ang palaging pag-i-ehersisyo, matulog nang sapat at nakatutulong din ang mga food supplement partikular na iyong mga gawa sa natural o herbal na produkto.

Ano ang PhilNONI Con Stevia?

Isa itong nutraceuticals na bukod sa ibinibigay nitong nutrisyon sa katawan, nakatutulong din itong makapagpagaling ng mga karamdaman. At synergy, ayon sa mga eksperto ang ang magandang epekto sa katawan ng noni juice at proven sa maraming pag-aaral na nakababawas ng cholesterol at triglyceride – malaki rin ang naitutulong nito para mabawasan ang malubhang sakit.

Mula sa katas ng noni fruit ang PhilNONI Juice na dumaan sa masusing proseso ng Philippine Morinda Citrifolia, Inc. (PMCI) bago pa man ito ilabas merkado para siguradong epektibo at ligtas inumin.

Bakit ito magandang gift idea ngayong Holiday Season?

Dahil sa magagandang benepisyo ng PhilNONI Juice sa ating kalusugan para labanan ang mga sakit tulad ng allergy, asthma, bukol o cancer, diabetes (Type 1 & 2), high blood pressure, heart disease at iba pang pananakit sa katawan – makasisiguro kang mararamdaman ng pagbibigyan mo ng regalo ang pagmamahal mo sa kanila.

Patotoo ni Ginang Evangelyn Alocilja, PhD, Microbiology Professor sa Michigan State University
“My family suffered from chronic allergy and spring fever for many years. We have tried several medicines and consulted doctors in the USA, but we were unable to find a remedy. After having been introduced to PhilNONI Capsules, my whole family just had a very seldom illnesses. After 4 years of taking PhilNONI Capsules on a daily basis, we continue to make this a part of our healthy living.”

Lahat ng ito ay dahil sa adbokasiya ni Dr. Tito Contado, founder at CEO ng PMCI, na bukod sa hanapbuhay na maibibigay sa ating mga kababayan, ay mapalakas ang ating pangangatawan at para malabanan ang anumang karamdaman.