DOUBLE pay ang matatanggap ng mga manggagawa sa pribadong sektor na pumasok sa kanilang trabaho kahapon, na pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
Ito ang nakasaad sa Labor Advisory No. 06, series of 2019 na inisyu ni Department of Labor and Employment (DOLE) Acting Secretary Ana C. Dione.
Alinsunod sa pay rules na itinatakda ng DOLE, ang mga empleyado na hindi pumasok sa kanyang trabaho sa regular holiday ay makakatanggap pa rin ng 100 porsiyento ng kanyang arawang sahod o ([Daily Rate + COLA] x 100 percent); ngunit kung nagtra-baho siya sa naturang araw, ay dapat siyang bayaran ng kanyang employer ng 200 porsiyento ng kanyang regular salary para sa nasabing araw, para sa unang walong oras o ([Daily Rate + COLA] x 200 percent).
“In addition, if the employee worked in excess of 8 hours (overtime work), he or she shall be paid an additional 30 percent of his or her hourly rate on said day (hourly rate of the basic daily wage x 200 percent x 130 percent x number of hours worked),” dagdag pa ng DOLE.
Kung ang empleyado naman ay nagtrabaho sa isang regular holiday na natapat sa araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagan pang 30 porsiyento ng kanyang daily rate na 200 percent o [(daily rate + COLA) x 200 percent] + [30 per-cent (daily rate x 200 percent)].
Kung mag-o-overtime naman ang empleyado sa isang regular holiday na natapat sa kanyang rest day, makakatanggap pa siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate sa nasabing araw o (hourly rate of the basic daily wage x 200 percent x 130 percent x 130 percent x number of hours worked).
Alinsunod sa Proclamation No. 555 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang May 1, 2019, ayg isang regular holiday bilang pag-obserba sa Labor Day sa bansa. ANA ROSARIO HERNANDEZ