HOLIDAY SA OKTUBRE 31

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Oktubre 31,2022 bilang special non-working holiday.

Ito ayon kay Officde of the Press Secretary Officer-in-Charge Undersecretary Cheloy Garafil ay upang bigyan ng pagkakataon ang publiko na magkaroon ng mahaba habang panahon para gunitain ang Undas.

“The President has signed the proclamation declaring October 31 as a special non-working holiday para na rin po marami tayong time kasama ang ating pamilya at para ma-promote na rin ang ating local tourism,” sabi ni Garafil.

Kaugnay nito ay magkakaroon ng long weekend ang publiko at maaaring magsimula ng kanilang bakasyon mula sa araw ng Sabado Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1. EVELYN QUIROZ