HOLIDAY SEASON NAGDUDULOT DIN NG DEPRESYON SA IBA

HINDI lang kasayahan, maraming pagkain at regalo ang hatid ng holiday season.

Kung minsan, nagdudulot din ito ng labis ng kalungkutan o depresyon.

Tradisyon na kasi na kapag Pasko, dapat ay damhin ang diwa nito na pagbibigayan, pagmamahalan, at pag-asa.

At dahil panahon ng bigayan o gift giving na siyang pangako ng holiday season, marami ang umaasam dito.

Subalit hindi lahat ng ito ay nangyayari dahil malaking porsiyento ng masasaya kapag Pasko ay mula sa mga may hanapbuhay, mayroong pamilya at may mga kasintahan.

Base sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 48.16 million ang may trabaho noong Oktubre.

Ibig sabihin, ang nasabing bilang lamang ang makakatikim ng 13th month pay, dadalo sa Christmas Party at makatatanggap ng regalo.

Habang nasa 1.97 milyon naman ang walang hanapbuhay at walang katiyakan kung kailan magkakaroon.

Mas malupit din sa lungkot ang mga nag-iisa, nasa ampunan at higit sa lahat, ang mga namamalimos sa kalsada.

Kumusta rin ang mga taong nahaharap sa maraming hamon?

Ngayong holiday season, i-share natin ang mga blessings sa mga higit na nangangailangan.

Kung kaya naman, sagipin natin ang mga taong lubog sa kalungkutan.